Working Online – Pros and Cons ng Freelancing
Karamihan ng gustong magfreelancing, napapaisip kung tama ba o may kita ba talaga? Kung napapaisip kang magfreelancing, side hustle man o part time o kahit full time pa, you’re in the right place! We will review the Pros and Cons of being a freelancer.
Di madaling magsimula sa freelancing, madaming oras ang kailangan, pagod, at sandamakmak na rejections din. Pero marami ng naging successful at nabago ang buhay dahil sa freelancing. Kaya naman marami din talagang naeengganyong sumubok.
Narito ang ilan sa mga pros and cons ng Freelance Work.
Pros
1) Dollars! – Yup, dollars ang basehan ng sweldo ng mga freelancers! Sa Upwork ang minimum ay $3.00 per hour, kung magkakapag trabaho ka ng 40hours a week, $120.00 per week yan. O tumatagingting na 6,800.00 pesos kada linggo o 27,360.00 pesos kada buwan! Pang supervisor na sweldo na yan sa ilang trabaho Pinas! Mind you, minimum yan at pwede pang tumaas ng $10.00 per hour (91,000.00 pesos/month), $20.00 per hour (182,000.00 pesos/month) at higit pa.
Sabi nga nila eh 6-digits na sweldo!
2) Flexible na oras – magandang pakinggan at masarap isipin na pwede kang magtrabaho kung kailangan mo gusto, kaya naman karamihan ito ang pinakadahilan kung bat gustong magfreelancing! Kung maisipan mong mag out of town ng Lunes, walang problema! Gustong umatend sa event sa school ng anak, go! Kapag nagkayayaan ang barkada, sama lang ng sama!
3) Work place – Kahit saan mo gustong magtrabaho, pwedeng pwede! Sa bahay mo man, sa coffee shop, sa mall o sa out of town; kung may laptop ka at internet, pwede kahit san mo gustong magtrabaho! Di mo na kailangang makipagsiksikan sa LRT/MRT, sumakay ng tricycle or jeep para lang pumasok sa office.
4) Freedom – Mas marami kang choices sa freelancing, mula sa pagpili ng lugar, oras, boss, projects, rates at kung anu-ano pa! Sarap mangarap na masubaybayan mo ang paglaki mga anak mo, masamahan ang mga magulang sa pag tanda, makatira sa maayos at magandang bahay, mabili ang mga gusto mo at makakaen ng masasarap, lahat ng yan pwedeng maachieve sa Freelancing!
Cons
1. Pwedeng maging inconsistent ang workload – Dahil magdedepende sayo ang paghanap ng clients / projects / work, pwedeng magkaroon weeks na wala kang masyadong trabaho o wala masyadong clients.
Para maiwasan ‘to, ang karaniwang ginagawa ng mga freelancers (part time man o fulltime) ay kumukuha ng dalawa o higit pang clients para kahit anong mangyari sa isa may aasahan kang tuloy tuloy ang income.
2. Ikaw ang bahala sa taxes at magsecure ng sarili mong benefits – Kapag empleyado ka sa isang kumpanya, automatic ng ibabawas sa sweldo mo ang tax at mga benefits tulad ng Philhealth, Pagibig, SSS at iba pa. Sa freelancing, ibibigay sayo ang sweldong napagusapan nyo ng clients at ikaw na ang bahala sa pagbabayad ng tax at pagsecure ng sarili mong health & financial benefits.
Want to begin your Freelancing journey but No Idea on how to?
Here’s a simple guide:
Tulad nga ng sabi ko sa taas, di madaling magsimula sa freelancing. Pero libo libo ng Filipino freelancers ang patunay na kaya itong maachieve! Base sa sariling experience ko, yung $10.00 per hour na rate, kayang kaya within a year maabot! Kaya naman para sa akin sulit talagang mag freelancing!
Kung nagustuhan mo ang Feelancing, you can check out this other post: it’ll teach you how to start your freelancing career! Freelancing – What & How : A Guide for Filipino Beginners