Paano Gumawa ng Portfolio – Guide para sa Newbie o Wala pang experience
Bakit nga ba kailangan gumawa ng portfolio? Unang una, dapat kumpleto ang profile mo sa mga freelancing sites which mostly includes a portfolio.
Pangalawa at pinakaimportante, ito ang pinaka best way para maipakita mo sa mga potential clients kung ano ang mga kaya mong gawin para sa kanila, which will give you a good chance para i-hire ka nila.
Ano ang Portfolio?
Ang portfolio ay ang paraan na maipakita mo ang iyong skills & knowledge by organizing your works or projects, o mag-present ng details about you at ng mga qualifications mo.
Pwede mo itong ipakita by using document, images, pdf, presentation, or website.
Ano ang ilalagay sa portfolio kung wala pang working experience o previous projects?
1. Cover Page
Ilagay ang pangalan at complete details ng service mo o ginagawa mo as a freelancer. Pwede rin maglagay ng catchy phrase.
Check this post for some catchy taglines.
2. About
Include a background about you. Make it brief at relevant sa mga services na inooffer mo.
3. Services
paano kung zero experience? Wala pang naging client? wala pang “real” work samples?
Ok lang! Lahat tayo naging beginner.
The best way to do is create a mockup sample pra maipresent sa potential clients ang kaya mong gawin.
Nung naguumpisa ako, wala din ako experience. Gumawa ako ng mga sample designs. Tinitingnan ko kung ano usually ang mga hinahanap sa job postings at yon ang ginagawa ko (Social Media Posts, Web Page Design, Ebook layout, Presentations)
Kung writer ka, write sample articles or sample copies.
Kung General VA, pwedeng sample presentation, sample internet research, sample ng scheduling / calendar management.
And the list goes on (again, search ka sa mga job postings kung ano ang usual na work n hinahanap ng clients sa niche mo at yun ang gawin mong samples).
4. Contact Page
Ilagay ulit ang pangalan at ng mga ways para macontact ka like email, cellphone/whatsapp number, social media accounts
Tip: kung maglalagay social media accounts pwedeng ang ilagay ay isang professional account mo at hindi personal.
Anong Tool ang pwedeng gamitin sa pag gawa ng Portfolio
Number 1 talaga na recommended ay Canva, dahil nasa canva na ang lahat.
Pwede kang gumawa ng images, PDF, PowerPoint/Presentations, Document o kahit Website pa.
Gumawa ng account sa Canva (kung wala pa) at doon gumawa ng mga images na gagamitin bilang portfolio.
FAQ
- Question: Kailangan ba talaga website ang gamitin sa portfolio?
- Answer: Hindi naman kailangan ng website, pero dapat depende sa services mo, halimbawa Website designer or Website buider ka, doon kailangan website ang gamitin sa portfolio. (Kung Graphic Artist – Choose your best projects. Hindi kailangang lahat ng previous designs ilagay lalo na kung may ibang projects sa tingin mo ay hindi babagay sa portfolio layout mo. It’s best na visually stunning ang portfolio layout mo.)
Again, ang Portfolio ang best way para maipakita mo ang kakayahan mo.
Final Thoughts
Kahit walang experience ay makakagawa ka ng portfolio.
Mag spend ng time na I-check ang mga job postings at doon i-base ang mga gagawing portfolio items, Makikita mo mostly kung ano nga ba ang hinahanap ng mga clients at maeexperience mo na gawin yun work. After all, makakapagdecide ka pa kung gusto mo nga ba ang freelancing o ang niche na yun.
Join ka na sa Group namen to get more Freelancing Tips and Connect with other Freelancer Newbies
Wala ka pang Niche? Bakit di mo itry ang Graphic Design? Here’s a FREE simple guide:
2 Comments
Anonymous
thank you Jane I really dont know where to start , I dont know what to cater, fortunately I came across your comment in molongski community
Jane
Happy to help po =)