Blogs

OWWA and OEC Simple Guide -Singapore OFW

Paalala: Ang bawat OFW ay required na magkaroon ng OEC bago umalis ng Pilipinas upang magtrabaho abroad o bago bumalik sa bansang pinagtatrabahuhan.

Kung sakaling nasa Singapore kana nakahanap ng trabaho o na-aprubahan sa trabaho, maaring hindi mo pa nagagawang makapag member sa OWWA at mabigyan ng OEC o Overseas Employment Certificate.

Narito ang simpleng gabay.

Content:

  • Pag kakasunod-sunod na dapat gawin
  • Guide sa pag-register sa BM Online Processing System at mag-request ng appointment sa embassy
  • Requirements para sa OWWA
  • Requirements para sa Contract Verification
  • Requirements para sa OEC application sa Pilipinas
  • Mga dapat Bayaran

Pag kakasunod-sunod na dapat gawin:

Note: Ang gagawin sa Embassy ay OWWA registration at para sa OEC, pwede lamang muna mag Contact Verification. Ang mismong OEC ay i-aapply sa Pilipinas.

  1. Mag-register sa BM Online Processing System.
  2. Magrequest ng appointment para magpunta sa embassy upang mag-submit ng mga requirements ng OWWA at OEC.
  3. Kumpletuhin ang requirements para sa OWWA at OEC
  4. Sa appointment date, ipapasa ang requirements sa embassy. Ito ay para sa OWWA registration at Contact Verification. May nakalaan na window para sa OWWA registration. May nakalaan ring window para sa OEC, upang mag pa-Contract Verification. (Note: May mga kailangang bayaran,tumatanggap lang sila ng cash at malayo rin ang ATM)
  5. Itago ang resibo ng OWWA registration (kakailanganin ito kapag nag OEC application ka sa Pilipinas para ipakita na registered kana sa OWWA ).
  6. Bibigyan ka rin ng schedule para balikan ang ipanasang documents para sa Contract verification (usually after 7-days ang balik).
  7. Balikan ang verified contract. Ito na yung naka-red ribbon. Ipapasa ito sa OEC application sa Pilipinas.
  8. I-open muli ang account sa BM Online Processing System at kumuha ng appointment para sa OEC application sa Pilipinas. Pwedeng pumili ng POEA branch at oras.
  9. Pag-uwi ng Pilipinas, siguraduhing makakuha ng OEC bago bumalik ng pinagtatrabahuhang bansa.

Guide sa pag-register sa BM Online Processing System

http://www.bmonline.ph/

  1. Magsign-up para sa new user. Click ang “Sign me up”. Kumpletuhin ang profile at mag attach ng photo.
  2. Mag set ng appointment, i-click ang green tab “Acquire OEC or excemption”, piliin ang location na POLO Asia and branch Singapore. Print out the Appointment Sheet under “My Transactions”, Appointment Tab

Requirements para sa OWWA

https://www.philippine-embassy.org.sg/labor/owwa-membership
  1. OFW Information Sheet. Please download this form on the website;
  2. One photocopy of valid passport (original to be presented);
  3. One photocopy of valid work pass such as Work Permit, S-Pass or E-Pass (original to be presentend;
  4. Employment contract or any proof of employment such as a certificate of employment, pay slip or of company ID (to be presented);
  5. UEN/RCB/Company Registration Number (for professional and skilled workers only);
  6. One photocopy of employer’s IC (for domestic workers only);

Requirements para sa Contract Verification:

https://www.philippine-embassy.org.sg/labor/household-service-workers/registration-oec-issuance/

Ang mga requirements sa website ay para sa mga Household Service Workers.

Para sa mga hindi household service workers, ang equivalent requirements ay:

  1. Signed work contract at 2 photocopies
  2. Addendum signed by employer at 2 photocopies
  3. Valid Work Permit (Work Permit, S-Pass or E-Pass) at (two photocopies);
  4. Passport valid for at least six (6) months from the date of departure from the Philippines (two photocopies);
  5. Employer / Company registration (hihingin sa employer/company)

Requirements para sa OEC application sa Pilipinas:

  1. Verified/authenticated employment contract; and
  2. Sworn Statement of the worker providing explanation on how she was hired by the current employer. (Sample ng sworn statement at kailangan ito ipa-notaryo. Maaaring magpagawa sa mismong notarial services / notary public)
  3. Resibo ng OWWA
  4. I-take note din ang Pag-ibig Number

Mga kailangan bayaran sa embassy:

ADMINISTRATIVE FEES na nakalagay sa website:
The following fees shall be paid only in cash at the Embassy upon submission of complete requirements:

  1. OEC Processing: SG$3.00
  2. Contract Verification: SG$17.00
  3. Contract Authentication: SG$42.50
  4. OWWA Membership: SG$36.00
  5. Expedite Authentication: SG$17.00
    Note: Expedite authentication is only for emergency cases such as death or medical emergency of a family member in the Philippines.

4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *