Create an account on upwork
Freelancing Guides

How to Create an Upwork Account

Hello again!

Nagustuhan mo ng mag freelance? Nahikayat ka ng friend/s mo na kumikita na ng dollars? Nakita mo lang sa Tiktok, FB o Youtube at gusto mo ng itry? O kaya nagustuhan mo ang mga pros ng freelancing dahil sa post ko na’to: Pros & Cons ng Freelancing

Eager ka ng magsimula at maghanap ng clients…

Kaso, di mo alam kung pano gumawa ng account sa upwork… O kaya naman nasimulan mo na, pero di mo matapos ang paggawa ng account sa Upwork.

Don’t worry! Dito sa post na’to tutulungan kita kung papano!

1. Punta ka lang sa upwork.com tas click mo yung “Sign Up”.

Papipiliin ka kung magjojoin ka sa upwork as a Freelancer o as a Client. Syempre click sa Freelancer, click sa Apply.

May choice ka na magcontinue with Apple o sa Google, meaning pwede mong gamitin ang existing account mo para makagawa ng profile. Pero sa dito sa tutorial na’to dun tayo sa manual muna.

2. Add Personal Information.

Enter mo na ang details mo:

  • First Name
  • Last Name
  • Email Address
  • Password

Check dun sa agreement, Click mo na yung “Create account”. Please, wag kalimutan ang password.

Magsesend ang Upwork ng verification email sa email address na ginamit mo, punta ka lang sa email mo at click dun sa “Verify Email”. Congrats! Meron ka ng Upwork account!

Pero di pa tayo tapos, kailangan pa natin mag enter ng iba pang details.

3. Click mo na yung “Get Started”.

May mga ilang tanong lang ang Upwork. First question, may experience ka na ba as a freelancer. Second question, what’s your biggest goal as a freelancer. Multiple choice naman parehas kaya madali lang sagutan.

After, bibigyan ka ng 3 choices, click dun sa “I’d like to find opportunities myself”.

Magtatanong ang Upwork: How would you like to tell us about yourself. Pwedeng mag upload ka ng resume mo or kung may LinkedIn profile ka, pwede din. Pero for the sake ng tutorial, dun tayo sa “Fill out manually”. Saglit lang naman pag fill out.

4. Start your Upwork Profile

  • After mag papaadd ng “Title” mo, add mo lang kung anung iooffer mong service as a Freelancer.

Mga sample: Video Editor, Social Media Manager, Content Creator, Voice Actor, Book Keeper, Virtual Assistant, etc.

  • After niyan “Add Experience” naman, kung wala ka pang experience, ok lang yan. Kung meron ka naman ng mga naging trabaho, enter mo lang mga details.
  • Sunod ay “Add Education”, enter lang din ng details ulit then click Save.
  • Next na ipapadagdag ay “Language”. Mahalaga na marunong kang mag-english sa pag pefreenlancing since halos lahat ng clients ay foreigner. Pero since Filipino naman tayo, sigurado akong kaya nating makipagsabayan sa pag-ienglish.

Magandang ilagay mo dito Fluent ka in English.

Add mo na rin yung iba pang alam mong Language kung meron pa.

  • “Skills” naman ang sunod, add ka lang ng mga skills na alam mo. Pangkaraniwan eh dapat connected sa Title na inadd mo. Like, Video Editing, Social Media, Customer Service, etc.

Pwedeng hanggang 15 skills ang ilagay mo, pero pwedeng saka mo na iadd lahat kung gusto mo.

  • Now, mag papalagay ng “Bio”. Mahalaga to, kasi ito yung makikita ng mga potential clients.

Eg.: Hi, I’m a professional virtual assistant with experience as a Social Media Manager. I can also help with administrative tasks.

Tip #1: Include keywords na pwedeng isearch ng client na naghahanap ng skills mo.

Tip #2: Importante ang First Sentence, ito ang unang makikita at magcacatch ng attention ng client.

Pwede mo naman din itong iedit ulit to sa susunod.

5. Category and Your Rate

  • Sunod ay “Category”, select lang ulit kung alin nababagay sa iooffer mo na service.
  • “Now set your rate”. Whoo exiting part na! Usapang pera na! Kung may call center experience ka, pwede kang mag start sa $7 per hour. Kung nasa management level kana, lagay mo lang kung ano sa tingin mong worth ng trabaho mo. Nga pala, sa ibang bansa, starter eh nasa $10 per hour, pwedeng pwede yan na ilagay mong rate. $3 per hour ang pinakamababa na tatanggapin ng Upwork.

May fees nga pala sa Upwork. Sa tingin ko worth it naman ito, dahil pag may experience ka na sa Upwork o Top Rated ka na, clients na lalapit sayo. At saka mas secure talaga sa Upwork.

Upwork fees: 20% from $0 to $500 earnings, 10% from $500.01 to $10,000.00, starting sa $10,000.01 5% nalang ang Upwork fees. Per client nga pala yang fees na yan.

6. Last step na tayo!

Upload ka na ng profile photo mo.

Mas maganda kung presentable at nakakaakit sa mata ng client/s. I suggest clear yun background para mas mafocus sayo ang attention. Pili ka ng photo na pinaka relax at approachable ka tingnan.

Tapos add ka na ng address niyo.

Click “Check Your Profile”. Tapos click sa “Submit Profile”.

Congrats! Ok na ang Upwork profile mo! Ready ka ng magjob hunting at mag apply as a Freelancer!


Want to learn more on how to apply for freelancing jobs? Join ka sa group na’to:

Tulungan tayo sa Freelancing journey natin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *